^

Punto Mo

Mayang (4)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ILANG beses tumawag si Jefferson pero wala siyang naririnig na kumikilos mula sa loob ng kubo.

Baka walang tao!

Nagtao po uli siya. Nilakasan niya.

“Tao po! Tao po! Tao po!”

Maya-maya may narinig siyang kumilos mula sa loob. Lumangitngit ang sahig.

May dumungaw sa bintana—matandang lalaki. Mukhang mabait ang matanda.

“Magandang umaga po Lolo.’’

“Magandang umaga naman.’’

“Dito po ba nakatira si Mayang?’’

Napamaang ang matanda. Nagtaka.

“Hindi na nakatira rito si Mayang. Matagal na!’’

“Saan na po siya nakatira?’’

“Hindi ko alam. Kasi ako ay nakikitira lamang dito. Hindi ko nga alam kung ang lupang kinatitirikan nitong bahay ay kina Mayang pa.’’

“Wala ka po bang alam kung nasaang lugar si Mayang?’”

“Pasensiya ka na pero wala talaga.”

Huminga nang malalim si Jefferson. Mukhang wala ngang alam ang matanda.

“Sige po Lolo. Salamat.’’

Tumango ang matanda.

Tumalikod si Jefferson at humakbang paalis.

Pero tinawag siya ng matanda.

“Halika. Pumanhik ka!”

(Itutuloy)

MAYANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with