Museum ng mga weird na sasakyan, nakatanggap ng Guinness Record!
ISANG car museum sa Hyderabad, India ang nakapagtala ng world record dahil sa mga kakaibang sasakyan na makikita rito!
Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na Guinness World Records na ang museum na Sudhakar’s kaleidoscopic Sudha Cars Museum ang pinakabagong record holder ng titulong “Largest Collection of Wacky Vehicles in a Museum” dahil sa kakaibang koleksyon nito na 57 oddly shaped cars.
Sa panayam sa may-ari ng museum na si Sudhakar Kanyaboyina, nagsimula lang ito sa pangarap niya noong siya’y bata pa na makagawa ng mga sasakyan na iba’t iba ang hugis tulad ng hamburger, sapatos, basketball at iba pang kakatwang hugis.
Si Sudhakar ang gumawa ng lahat ng mga sasakyan na matatagpuan sa kanyang museum kahit wala siyang mechanical engineering background.
Ayon kay Sudhakar, masaya siya na nakilala na sa buong mundo sa pamamagitan ng Guinness World Records ang kanyang museum. Kung dati ay mga elementary students na nagfi-field trip lang ang dumarayo sa kanyang museum, ngayon ay pati foreign tourists ay gustong makita ang kanyang mga nilikhang sasakyan.
- Latest