^

Punto Mo

‘Hikaw’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 3)

DALAWANG hikaw na mamahalin ang binili ko para sa aking asawang si Melba. Iyon ang unang pagkakataon na ibinili ko siya ng hikaw mula nang ikasal kami sa huwes. Hindi na ako nagtanong kay Melba kung bakit hikaw ang gusto niya sa halip na kuwintas o singsing kaya. Siguro ay type talaga ni Melba na magsuot ng hikaw.

Agad kong pinadala kay Melba ang dalawang hikaw. Nagkataon na may kasamahan akong umuwi sa Pinas kaya ipinakisuyo ko na ihatid sa aming tirahan sa Pasay ang hikaw.

Nang matanggap ni Melba ang mga hikaw ay agad akong sinulatan. Napakaganda raw. Bagay na bagay daw sa kanya.

Makalipas ang isang buwan ay humiling uli si Melba na padalhan ko ng hikaw. Gusto raw niya ay mas malaki.

Sinunod ko si Melba. Mas malaking hikaw ang binili ko para sa kanya. Tuwang-tuwa si Melba. Bagay na bagay daw ang malaking hikaw.

Hanggang sa lumipas pa ang isang taon. Isang sulat ang natanggap ko sa aking kapatid. Isinusumbong si Melba!

May ginagawa raw masama si Melba!

(Itutuloy)

KASAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with