^

Punto Mo

Mag-best friend, 61 taon nang nagpapalitan ng birthday greeting card!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DALAWANG matalik na magkaibigan sa Australia ang nakapagtala ng world record dahil sa anim na dekada nilang tradisyon ng pagpapalitan ng birthday greeting card!

Kinumpirma ng Guinness World Record na ang mag-best friend na sina Lynley Lambert at Jeanette Graham ang may hawak ng world record title na “Longest Birthday Card Exchange”, matapos nilang pagpasa-pasahan sa loob ng 61 taon ang isang birthday greeting card.

Noong Marso 1963 pinadalhan ni Lynley si Jeanette ng greeting card para batiin ito sa kanyang birthday. Pagsapit naman ng kaarawan ni Lynley ng December nang taon din iyon, naisipan ni Jeanette na ipadala pabalik ang naturang card. Simula noon, nagpabalik-balik ang nag-iisang card na iyon sa loob ng anim na dekada.

Sa kasalukuyan, 84 anyos na si Jeanette at si Lynley naman ay 80 years old. Ayon sa kanila, wala silang balak itigil ang tradisyon na pagpapasahan ng greeting card.

vuukle comment

BIRTHDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with