^

Punto Mo

‘Kuwintas’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last Part)

NAMATAY si Lola Juana, isang buwan bago ako nagtapos ng kolehiyo sa Maynila. Malungkot na malungkot ako sapagkat nabalitaan ko ang pagkamatay ni Lola habang ako ay nasa OJT (kumukuha ako ng PT). Iyak ako nang iyak. Kay Lola ko pa naman inihahandog ang aking pagtatapos. Sa totoo lang, malaki ang naitulong ni Lola sa aking pag-aaral ng PT. Sabi ni Lola ipagpatuloy ko ng medicine ang aking pag-aaral at siya ang bahala. Kahit daw ipagbili ang kanyang lupain. Hindi ako nangako. Mahirap kasi ang pagdodoktor.

Matapos mailibing si Lola ay nagbalik na ako sa Maynila para asikasuhin ang aking pagtatapos. Natapos ko rin ang aking OJT at tiyak nang kasama ako sa graduation.

Isang linggo bago ang graduation at nagkaroon kami ng advance celebration ng aming mga magkaklase. Nagdaos kami ng party sa isang bahay na malapit lang sa unibersidad.

Nang gabing iyon, isinuot ko ang kuwintas na pamana ni Lola. Nang makita ng mga kaklase ko ang kuwintas ay inggit na inggit sila. Antigo raw at mamahalin. Alas onse na ako nakauwi. Habang nakasakay ako sa dyip, isang holdaper ang hinabol ng mga pulis. Nakipagbarilan ang holdaper sa mga pulis.

Nagkober ang holdaper sa dyip na aming sinasakyan.

Hindi ko namalayan, tinamaan na pala ako ng crossfire. Pero himalang hindi tumagos ang bala sapagkat tumama sa matabang kuwintas na suot ko. Kung hindi nasalo ng kuwintas ang bala, tiyak namatay ako. Nahuli ang holdaper.

Malaki ang aking paniwala na niligtas ako ni Lola Juana, gamit ang kuwintas. Hindi ko malilimutan ang karanasang iyon.

vuukle comment

KARANASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with