^

Punto Mo

Lola na nagmamaneho ng tren sa U.S., nakatanggap ng Guinness record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 81-anyos na lola sa Boston, Massachusetts ang nakapagtala ng world record dahil sa pagiging pinakamatandang driver ng tren!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Helen Antenucci ang pinakabagong record holder ng titulong “World’s Oldest Train Operator”.

Nagsimulang ma­ging train operator si Helen noong siya ay 53-anyos noong 1995 sa Massachusetts Bay Transportation Authority. Simula noon, naging full time driver na siya ng Blue Line trains hanggang sa kasalukuyan.

Walang kaalam-alam si Helen sa natanggap niyang world record dahil isang kasama niya sa trabaho ang nag-apply sa Guinness. Saka na lamang niya nalaman ang tungkol dito nang iginawad na sa kanya ang certificate.

Sa nalalapit niyang 82nd birthday, wala pa ring balak magretiro si Helen at gusto pa rin niyang magmaneho ng mga tren at maghatid ng commuters sa Boston.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with