^

Punto Mo

Nasa likod ng smear campaign vs PCSO, bubuweltahan ni Robles!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

BUKING na ni PCSO General Manager Mel Robles kung sino ang nasa likod ng graft complaint na ikinasa laban sa kanya at iba pang opisyal ng ahensiya sa Ombudsman. Madali lang naman nahubaran ni Robles kung sino siya at sa tingin niya nanggugulo lang. Kasi nga ba naman, halos lahat ng opisyales ng PCSO ay kinasuhan maliban na lang ang dating chairperson ng ahensiya. Dipugaaa!

Kaydali namang hulaan kung sino ang tinutukoy ni Robles, di ba mga kosa? Walang iba ito kundi si ex-chairperson Junie Cua, na pinalitan kamakailan ni retired judge Felix Reyes. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Mukhang sa pag-aalog ni Cua kay Robles ay siya ang tinamaan ng lintik! Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ipinaliwanag ni Robles na ang complaint sa Ombudsman na isinampa ng grupong Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement ay nabago na sa mga pangyayaring inaprubahan na ito ng Office of the Government Corporate Counsel. Ayon sa OGCC, ang Memorandum of Agreement ng PCSO sa Pacific Online System Corporation para sa e-lotto operation ng ahensiya ay mapanindigan.

“It is unfortunate that the FPJPM filed a complaint without understanding the MOA PCSO entered with a service provider. Our agreement is not final until we get a favorable decision from OGCC,”  ayon kay Robles. Tinawag ni Robles ang reklamo na “gross misrepresentation of facts.” Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa kanilang complaint, sinabi ng FPJPM na ang unang kasunduan ng PCSO sa POSC ay walang gastos ang gobyerno sa e-lotto operation nito. Subalit kinalaunan sa MOA ng dalawang partido nakasaad na ang POSC ay tatanggap ng 14 percent sa kita ng e-lotto.

“The pertinent portions of POSC’s Letter of Intent dated 29 June 2023 state that: ‘Our Corporation PACIFIC ONLINE SYSTEM CORPORATION, would like to offer PCSO our system and services. With this, we are submitting our proposal at no cost nor risk to PCSO,” anang grupo sa kanilang complaint. Sanamagan!

Tinawag ni Robles na “dubious and highly questionable” ang naturang reklamo. Niliwanag ni PCSO GM na ang technical rules ng kanilang betting platforms, kung saan kasama ang e-lotto, ay inaprubahan na ng Office of the President. Aniya, isinasagawa ng PCSO ang e-lotto alinsunod sa authority at panlasa ng OP noon pang 2021. “The OP guidance, being an act of the executive, remains valid until amended, revoked, or replaced by its issuing authority,” ang dagdag pa ni Robles. Mismooooo!

Bilang policy consideration, inayunan ng OGCC ang pagbayad ng komisyon  sa POSC “in a form of reasonable cost, at a rate capped by PCSO Board of Directors according to its sound business judgment,” ang giit pa ni Robles. Sinabi pa n’ya na ang e-lotto ay pumasailalim dito sa OGCC guidance dahil ang bagong sistema ay upang palawakin ang market ng PCSO games sa paggamit ng online at digital betting platforms. Para hikayatin ang mga Pinoy na tangkilikin ang kanilang palaro, tinaasan ng PCSO ang premyo ng kanilang jackpot prizes. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Dahil sa online at digital betting platforms, kumita ang PCSO ng aabot sa P879 milion sa sales revenues, bawas na ang premyo. Nagbabalak si Robles na buweltahan ang nasa likod ng smear campaign vs PCSO. Dipugaaaaa! Lintek lang ang walang ganti. Abangan!

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with