^

Punto Mo

Maid of Honor (129)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGMAMADALI ring umuwi ng probinsiya sina Inah at Rocky para maisaayos ang nakatakdang operasyon ng matandang ina. Tatawagan sana ni Inah si Yana at ang mag-asawang Honor at Bianca pero pinayuhan ni Rocky na saka na lang ipaalam sa mga ito ang nangyari. Mas mahalaga na maisaayos ang pagpapaopera kay Inay Encar.

Nang makarating sila sa probinsiya, agad nilang pinaalam sa doktor na maari nang isagawa ang operasyon sa matanda.

Agad na isinagawa ang ­operasyon. Habang isinasagawa ang operasyon ay walang tigil sa pagdarasal si Inah. Nakasuporta naman si Rocky kay Inah. Lagi niyang pinalalakas ang loob ng dalaga.

“Huwag kang mag-worry Inah at makararaos nang matiwasay si Inay Encar. May awa ang Diyos. Alam ng Diyos na kailangan mo siya.’’

“Salamat Kuya Rocky. Tama ka, kailangan ko si Inay. Gusto ko mapaglingkuran siya. Marami akong pagkukulang sa kanilang dalawa ni Itay. Naging matigas ang ulo ko at hindi pinakinggan ang payo nila. Hinihiling ko sa Diyos na makaligtas si Inay.’’

“Didinggin ng Diyos ang panalangin mo, Inah.’’

KINABUKASAN, masayang sinabi ng doktor na ligtas na sa panganib si Inay Encar.

Ikinuha ni Inah nang malaki at maayos na kuwarto ang ina.

“Salamat sa Diyos! Ligtas na si Inay!’’

“Mabuti ang Diyos, Inah,’’ sabi ni Rocky.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with