^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag matakot sa pag-aresto ng China

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag matakot sa pag-aresto ng China

NAGING marahas na ang China makaraang ipa­tupad ang kanilang “no trespass rule” sa South China Sea noong Sabado. Binangga ng China Coast Guard ang barko ng Philippine Coast Guard at isang sundalo ang naputulan ng daliri sa collision. Bukod sa pagbangga, umakyat sa barko ang mga miyembro ng CCG at kinuha ang mga baril ng PCG. Pero sabi ng mga eksperto hindi pa raw act of war ang nangyari.

Sa polisiya ng China, aarestuhin ng kanilang coast guard ang sinumang papasok sa inaangkin nilang karagatan. Ikukulong nila ng 60 araw na walang paglilitis ang mga mahuhuli na papasok sa kanilang inaangking teritoryo.

Sa pagbangga ng CCG sa PCG, sinabi ng China na pumasok daw sa kanilang teritoryo ang PCG. Hindi naman pinatulan ng PCG ang maling report ng China. Kapag may nangyayari, lagi nang maling impormasyon ang inihahayag ng China. Hindi raw muna magko-com­ment ang PCG sa nangyari sapagkat mapanlinlang umano ang mga pahayag ng China.

Pinakamaganda na paigtingin ng Philippine Air Force at Philippine Coast Guard ang pagpapatrulya sa West Philippine Sea. Ngayong naglabas ng kautusan ang China na aarestuhin ang papasok sa inaangking karagatan, dapat namang pagsikapan ng Pilipinas ang regular na pagpapatrulya. At kung ang banta ng China ay aarestuhin ang papasok sa kanilang karagatan, dapat ganito rin ang polisiya ng Pilipinas. Arestuhin din ang sinumang papasok sa teritoryong sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas..

Mayroong karapatan na magpatrulya ang PAF at PCG sa WPS sapagkat bahagi ito ng tungkulin na protek­tahan ang teritoryo sa mga dayuhang papasok at pati na rin sa mga nangyayaring smuggling activities. Inihayag naman ng PAF na kailangan nila ng karagdagang air assets kabilang ang unmanned aerial vehicles para makatulong sa pag-monitor sa WPS. Mahalaga raw mabantayan ang eastern seaboards at katimugang bahagi ng bansa.

Isa rin sa kabutihang maidudulot ng regular na pag­papatrulya ng PAF at PCG sa WPS ay mababantayan ang mga mangingisda na matagal nang ginigipit ng China Coast Guard at mga Chinese militia. Marami nang pagkakataon na hinarass ng CCG ang mga mangingisda sa Bajo de Masinloc. Hinahabol at binobomba sila ng tubig ng CCG kaya wala silang nahuhuli. Maski ang mga nakukuha nilang clam at iba pang shell ay kinukumpiska at itinatapon ng CCG.

Nakapagpapalakas naman ng loob ang sinabi ng PCG na hindi sila natatakot at patuloy na magpapatrulya. Hinikayat din nila ang mga mangingisda na ituloy lamang ang kanilang pangingisda sa lugar. Saluduhan ang mga bayaning Pinoys sa WPS.

vuukle comment

SOUTH CHINA SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with