^

Punto Mo

Babae sa Nigeria, naggantsilyo nang walang tigil sa loob ng tatlong araw!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 30-anyos na babae sa Lagos, Nigeria ang nakapagtala ng world record matapos siyang maggantsilyo ng gown sa loob ng tatlong araw!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Chidinma Modupe Okafor ang pinakabagong record holder ng titulong “Longest Crocheting Marathon” matapos itong makapagsagawa ng “crochet-a-thon” na tumagal ng 72 oras o tatlong araw.

Natalo ni Okafor ang previous record ni Alessandra Hayden ng U.S. na mayroon lamang 34 na oras.

Ayon kay Okafor, bata pa lamang ay mahilig na siyang maggantsilyo. Para paghandaan ang world record attempt, ilang buwan niyang kinondisyon ang kanyang katawan at pag-iisip. Upang hindi makasama sa kalusugan ni Okafor ang marathon, may pahintulot mula sa Guinness na magpahinga ito ng limang minuto sa bawat isang oras.

Ang unang balak ni Okafor ay maggantsilyo ng wedding gown ngunit nang matantiya niya na hindi niya kakaya­ning makabuo ng damit ­pangkasal sa loob ng tatlong araw, nagpasya siya na isang evening gown ang kanyang gawin.

vuukle comment

NIGERIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with