^

Punto Mo

EDITORYAL - Babala sa mga ­pulis na protector ng POGO

Pang-masa
EDITORYAL - Babala sa mga ­pulis na protector ng POGO

PAPATAWAN ng disciplinary actions ang mga pulis na magbibigay ng proteksiyon sa Phi­lippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ito ang babala ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Marbil. Hindi raw dapat masangkot ang mga pulis sa anumang illegal na gawain gaya ng pagbibigay ng proteksiyon sa POGOs. Ang tungkulin daw ng mga pulis ay magprotekta at magsilbi sa mamamayan kaya hindi dapat masira ang integridad. Tiniyak ni Marbil na mapaparusahan ang mga pulis na magpuprotekta sa POGOs.

Ang babala ni Marbil ay kasunod nang pagkakadiskubre ng illegal POGO hubs sa Bamban, Tarlac at sa Porac, Pampanga. Sinalakay ang POGO hubs sa Bamban noong Pebrero at Marso 2024. Ang POGO hubs na nasa 36 na buildings ay nasa lote na pag-aari ng suspendidong Bamban Mayor Alice Guo. Nasa likuran ng munisipyo ang POGO hubs at hindi nalalaman ng mga pulis at maski ng mayor na si Guo.

Ang POGO hubs sa Porac, Pampanga ay sinalakay naman noong nakaraang buwan at di-hamak na mas malaki kaysa Bamban. Ang POGO hubs ay nasa malawak na lupain at nag-ooperate sa 46 na malalalim na gusali. At gaya sa Bamban, wala ring nalalaman ang mga pulis sa Porac sa operasyon ng POGOs. Maski ang mayor sa Porac ay wala ring nalalaman na may illegal POGOs sa kanyang bayan. Itinuro ng Porac mayor ang PAGCOR na may responsibilidad sa POGOs.

Sinibak ni Marbil ang mataas ng police official sa Pampanga at mga pulis nito na nakatalaga sa Porac dahil sa paglaganap ng POGOs doon. Ayon kay Marbil, pinaiigting pa nila ang pag-monitor sa illegal POGOs. Pati ang POGOs sa iba pang pro­bin­siya ay sinusubaybayan na raw nila at ang mga pulis na protector ay mananagot.

Noong nakaraang buwan, dalawang Special Action Force (SAF) troopers ang nabuking na nag-eeskort sa opisyal ng POGO sa Ayala-Alabang. Nakilala ang dalawang SAF troopers na sina Cpl. George Mabuti at Pat. Roger Valdez. Nakadestino ang dalawa sa Mindanao subalit narito sa Metro Manila para mag-escort at pinasusuweldo ng P40,000 bawat isa.

Tinatayang 300 illegal POGOs ang namamayagpag sa bansa at maaaring pinuprotektahan ng mga pulis. ­Malaking pera ang isinusuhol sa mga matataas na opisyal ng pulisya kaya naging bulag, pipi at bingi na sila. Hinayaan nila kahit pa maraming krimen ang hatid ng POGOs. Ang banta ni Marbil sa mga pulis na magpuprotekta sa POGOs ay inaasahang isasakatuparan niya at hindi lamang basta banta. Masisira ang PNP dahil sa POGO.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with