^

Punto Mo

Maid of Honor (158)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKA hindi na ako mag-asawa, Yana. Enjoy na ako sa ganitong buhay. Mabuti nga at may kasama sina Itay at Inay. Matatanda na sila at walang ibang titingin sa sa kanila. At saka gusto ko, paglingkuran sila. Malaki ang pagkukulang ko sa kanila. Naging matigas ang ulo ko nun. Isa yun sa dahilan kaya nagkasakit si Inay. Masyado siyang nag-worry,’’ sabi ni Inah.

“Pero dapat intindihin mo rin ang sarili, Inah. Mahirap ang walang kasama sa buhay. Mahirap sa pagtanda na walang dadamay.”

“Sabagay. Pero ano ang gagawin ko kung wala namang nagpaparamdam na lalaki.”

“Baka nangingilag ang lalaki dahil may-ari ka na ng resort. Siyempre asensado ka na.’’

“Ewan ko. Basta kung magiging matandang dalaga ako, okey lang. Hindi ako magsisisi. At kung may magkakamali namang manligaw e di titingnan. Kung tapat siya e di subukan. Pero hindi ako magtitiwala agad. Mahirap magtiwala.’’

“Tama ka, Inah. Sana makakita ka ng magtototoo sa iyo.’’

“Salamat Yana.’’

Natapos ang pag-uusap nila.

Totoo naman ang sinabi ni Inah. Hindi siya basta magtitiwala.

MAKALIPAS ang ilang buwan, nakumpleto ni Inah ang resort. May swimming pool at iba. Natutuwa siya at nagtatagumpay sa pangarap. Nagpapasalamat siya sa Diyos.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with