^

Punto Mo

EDITORYAL - Vape, salot sa kabataan

Pang-masa
EDITORYAL - Vape, salot sa kabataan

MARAMING kabataan ngayon ang sugapa na sa e-cigarettes o vape. Wala itong ipinagkaiba sa tunay na sigarilyo na hinahanap ng katawan dahil sa taglay na nicotine. Bukod sa nicotine, mayroon din itong propylene glycol, carbonyls at carbon monoxide na mapanganib sa puso at baga. Ang masama, pati mga edad 13 hanggang 15 ay nahuhumaling sa salot na vape. Madali kasing makabili sapagkat nagkalat sa kung saan-saan ang vape shops. Marami sa paligid ng paaralan. Inutil naman ang Philippine National Police sa paghuli sa mga may-ari ng vape shops na lumalabag sa regulasyon.

Dahil sa pagkahumaling ng mga kabataan, ipinapanukala ng isang doktor na maitaas sa 25 ang legal vaping age mula sa 18. Ito ay para mapangalagaan ang mga menor de edad sa pagkahumaling sa vape. Ayon kay Dr. Maricar Limpin, kung itataas sa 25-anyos ang gagamit ng vape, may sapat na itong kaisipan para magpasya kung masama ba sa kalusugan ang paggamit ng vape. Sa edad na 25, may kakayahan na umano ang indibidwal na kontrolin ang sarili kung magpapatuloy sa bisyong pagbi-vape.

Bagama’t may punto ang dating presidente ng ­Philippine College of Chest Physicians, mas maganda sana kung inirekomenda niya na tuluyan nang ibawal ang vape. Bilang manggagamot, mas marami ang masisiyahan—particular ang mga magulang kung hihikayatin niya ang pamahalaan na tuluyang ibawal ang vape. Maraming magulang ang nababahala sa maagang pagkahumaling ng kanilang mga anak sa vape.

Isa na ang naiulat na namatay dahil sa paggamit ng vape. Ito ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay kaugnay sa paggamit ng vape. Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, inatake sa puso ang 22-anyos na lalaki na nauugnay sa araw-araw na paggamit ng vape. Dalawang arteries sa puso nito ang nabarahan. Ayon pa kay Domingo, ang vaping ay nagiging dahilan ng acute myocardial infarction at stroke. Sa naidokumentong history ng biktima, dumanas ito ng dalawang araw na pananakit ng dibdib.

Dalawang kaso pa na may kaugnayan sa vape ang naitala. Una ay ang 16-anyos na babae sa Western Visayas nagkasakit sa baga. Nakuha niya ang sakit dahil ang mga kasama niya sa bahay ay gumagamit ng vape. Ang ikalawang kaso ay ang 22-anyos na ­lalaking taga-Alabang na nagkasakit din sa baga dahil sa araw-araw na pagbi-vape. Bago siya lumipat sa vape ay dati na siyang naninigarilyo.

Mga doktor at iba pang health advocates ang magsulong na tuluyan nang ibawal ang vape. Hindi ang pagpapataas sa legal vaping age ang nararapat para makontrol ang kabataan sa pagbi-vape kundi ang total na pagbabawal dito. Iligtas ang mga kabataan sa salot na vape.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with