^

Punto Mo

Psychology ng human behavior

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kung ang isang tao ay tawag nang tawag sa iyo sa telepono pero wala namang importanteng sasabihin, asahan mong malungkot ang taong ito.

• Mas gusto ng mga tao na ikaw ay prangka sa kanila kaysa marami pang paliguy-ligoy bago sabihin ang kanyang saloobin.

• Ang selfish na tao ay competitive. Siya ‘yung laging gigil na manalo sa lahat ng kompetisyon dahil ayaw niyang patatalo kahit kanino.

• Bida-bida at uhaw sa pansin ang taong mahilig magkalat ng tsismis.

• Ang taong kaunti lang ang oras na naitutulog sa gabi ay malakas kumain.

• Ang choice mo sa pagkain ay nakadepende sa weather.

• Ang mga taong masayahin ay orange color ang paborito.

• Ang pinaka-nakakainis na feeling kapag ikaw ay nasa relasyon:  Lagi kang pinagdududahan o ikaw mismo ang nagdududa sa karelasyon mo.

• Mas malakas kumain ang mga lalaki kapag babae ang kasabay nilang kumakain pero kaunti lang ang nakakain kapag kapwa lalaki ang kasabay sa pagkain.

• Kapag nag-uusap ang dalawang tao at ang isa mas madaldal at halos ayaw nang pagsalitain ang kausap, siya ay self centered. Ang gusto lang nila ay marinig ang kanyang opinyon at wala siyang interes sa opinyon ng kausap.

• May mga taong kapag nasa gitna ng problema, ang tendency nila ay manumbat sa mga taong natulungan nila. Isisisi niya ang masamang nangyari sa kanya sa mga taong ito. Tinalikuran daw siya ng mga taong tinulungan niya kaya nalugmok siya sa pagdudusa. Ito ay nagpapakita lang ng kakulangan niya sa emotional maturity. Hindi kaya ang mga wrong choices niya sa buhay ang dahilan ng kanyang pagbagsak. Mali ang tinahak niyang daan kasama ang mga maling tao na pinili niyang makasama sa kanyang paglalakbay.

PSYCHOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with