^

Punto Mo

Practical tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Unawain mo kung hindi ka kaagad mapatawad ng taong pinagkasalahan mo. Dapat mong malaman na anim hanggang walong buwan ang kailangan ng utak upang maproseso ang pagpapatawad sa nanakit ng kanyang kalooban.

• Huwag kang magsasalita ng negatibo tungkol sa iyong sarili kahit pa ito ay biro lamang. Hindi alam ng iyong katawan kung ano ang pagkakaiba ng biro sa totoo. Nagre-react ang ating katawan sa anumang iniisip at sinasalita natin. Ang sinasabi natin ay nagsisilbing sumpa. Kaya kung susumpa ka rin lang, dapat ito ay positibo.

• Ang paglilinis ng iyong kuwarto ang first step upang baguhin mo ang iyong buhay.

• Kung hindi siya sumagot, iyon mismo ang kanyang sagot. Huwag na siyang kulitin.

• Kung sino ang madaldal, siya ang mahina ang ulo. Kaya huwag magsalita kung hindi naman kailangan. Mahirap nang mabisto ang kabobohan.

• Iwasang mag-cross ng arms habang may nakapaligid na tao sa iyo, nagmumukha kang unfriendly.

• Kung nais mong “manalo” sa buhay: (1) Iwasang ikumpara ang sarili sa ibang tao; (2) Iwasang hanapin ang validation mula sa ibang tao. Mas mainam na gawin ay self-validation. Celebrate your small wins with your family at hindi na kailangang ibandera ito sa social media. Big wins na lang ang ipagsigawan mo sa madlang people; at (3) Gawin ang 2-minute rule. Kung ang isang task ay kaya mong gawin at tapusin sa loob ng dalawang minuto o mas maaga pa, gawin ito kaagad at huwag nang ipagpabukas.

PRACTICAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with