^

Punto Mo

Nasa likod lamang siya

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA isang tribo sa Africa, ang mga ama ay may pagsubok na ginagawa sa kanilang mga anak na lalaki pagsapit nila sa edad na 12 taon. Iyon daw ay upang ihanda sila tungo sa pagi­ging matapang na lalaki. Ang pagsubok ay bawal ipagsabi ng anak kahit kanino. Sila lamang mag-ama ang nakakaalam nito.

Bago lumubog ang araw ay magtutungo ang mag-ama sa kagu­batan. Ang anak ay may piring ang mga mata. Inaakay lang siya ng kanyang ama. Iuupo ng ama ang anak sa pinutol na kahoy o tuod.

Ang patakaran sa pagsubok na iyon ay ipinaalam ng ama sa kanyang anak bago ito iwanan sa gubat:

1. Mag-iisa siya sa gubat sa buong magdamag.

2. Bawal kumilos at tanggalin ang piring kahit anong marinig sa paligid.

3. Tatanggalin lang niya ang piring sa mata kapag naaninag niya ang sikat ng araw.

Ang bata ay nakaramdam ng pangamba nang magpaalam na ang kanyang ama na aalis na ito. Sari-saring huni ng mga hayop ang kanyang narinig na nagbigay ng takot sa kanya. Gusto niyang umiyak pero pinigil niya dahil gusto niyang makapasa at matapos na ang  pagsubok. Kapag hindi siya nakapasa, mas mahirap pang pagsubok ang ipapagawa sa kanya.

Pagkatapos ng isang nakakasindak na magdamag, tinanggal niya ang piring sa mata nang naaninag na niya ang sikat ng araw. Anong gulat niya nang tumambad sa kanyang paningin ang ama na nakangiti sa kanya. Nakaupo rin ito sa isang tuod sa kanyang likuran. Hindi ito totoong umalis. Binabantayan pala siya ng kanyang ama sa buong magdamag!

Ganoon din ang nangyayari sa ating buhay. Minsan akala mo ay nag-iisa kang pasan-pasan ang daigdig. Pero ang totoo, andiyan lang sa likod ang Diyos, laging nakatunghay sa atin. Ang gawin mo lang ay maniwala na nariyan Siya kahit hindi nakikita. Sabi nga sa 2 Corinthians 5:7 – “For we walk by faith, not by sight.”

LIKOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with