^

Punto Mo

Sanggol na tumalsik mula sa tumaob na sasakyan, galos lang ang tinamo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HIMALA para sa mga rumespondeng bumbero ang pagkakaligtas ng isang sanggol sa Arkansas na nagtamo lang ng galos matapos itong tumilapon sa imburnal mula sa naaksidente nitong sasakyan.

Nangyari ang aksidente sa isang highway sa Texarkana, Arkansas nang masagi ng isang truck ang kotse kung saan nakasakay ang walong buwang sanggol.

Tumaob ang kotse kaya tumilapon palabas nito ang sanggol. Sinubukan siyang hanapin ng kanyang mga magulang ngunit nawala ito na parang bula.

May mga rumesponde namang bumbero sa pamilya na naghanap kung saan napunta ang sanggol.

Aminado ang isa sa mga rescuers na hindi na sila umasang matatagpuan pang buhay ang bata kaya naman laking gulat nila ng matagpuan nila ito sa loob ng isang imburnal na nasa tabi ng highway.

Nasa mabuting kalagayan ang sanggol na nakatingin pa sa kanila habang unti-unti nila itong inaahon mula sa imburnal.

Pinaniniwalaang nag-landing sa isang maliit na burol ang sanggol nang ito ay tumilapon sa kotse at mula doon ay nagpagulong-gulong ito pababa papunta sa imburnal kung saan siya natagpuan.

Lubos naman ang paniniwala ng mga bumbero na iniligtas ng Maykapal ang sanggol kaya galos lang ang tinamo nito mula sa pangyayari.

vuukle comment

ARKANSAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with