Bestidang inilublob sa Dead Sea ng 2 buwan, naging kristal
ISANG bestida ang nag-animo’y gawa sa kristal matapos itong iwanang nakalublob sa ilalim ng Dead Sea ng dalawang buwan.
Ang paglublob sa bestida ay bahagi ng art project ng Israeli artist na si Sigalit Landau at layunin nito na ipakita ang kapangyarihan ng dagat na baguhin ang mga bagay na nasa paligid nito.
Naging parang gawa sa kristal ang bestida dahil sa dami ng asin na dumikit sa tela sa tagal ng pagkakalublob nito.
Ang bestidang inilublob ni Landau sa ilalim ng Dead Sea ay isang kasuutang tradisyunal na sinusuot ng mga Hudyo kapag nagluluksa.
Kaya marami ang namangha nang ang dating itim na damit ay naging parang gown na pangkasal dahil kumikinang ang puti nito mula sa mga dumikit na asin.
Tampok ngayon ng isang exhibit sa London ang mga larawang kuha ni Landau na nagpapakita sa unti-unting pagbabagong pinagdaanan ng bestida sa loob ng dalawang buwan nitong pagkakalublob sa Dead Sea.
- Latest