^

Punto Mo

Death penalty, umiingay!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nauungkat at lumalakas na naman ang panawagan para maibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Ito ay dahil na rin sa tumitinding mga krimen na nagaganap sa kapuluan.

Matindi ngayon ang nararamdamang takot ng mga ma­mamayan dahil sa mga nagaganap na krimen na tila wala nang ligtas na lugar.

Kabi-kabila at maging sa loob ng bahay ay naitatala ang mga madugong pangyayari.

Sa mga insidenteng nakukunan ng CCTV, tila wala nang takot ang mga kriminal at kawatan sa kanilang operasyon.

Walang pinipiling oras, walang pinipiling lugar at bibiktimahin.

Sa Kamara, maghahain ng kanyang sariling death penalty bill si Cong. Jerry Trenas ng Iloilo, na ayon dito ay napapanahon na para muling bisitahin ang Revised Penal Code at maibalik ang death penalty dahil nga sa pagtaas ng mga karumal;-dumal na krimen.

Maging sa Senado may  bersyon ng panukalang batas na may kinalaman din sa death penalty si Sen. Tito Sotto.

Iba naman ang nais isulong ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na ito ay People’s Initiative para raw ang sambayanan na ang siyang bumalangkas ng batas na magbabalik sa parusang kamatayan.

Mahaba pang balitaktakan ito, pero hangga’t walang linaw kung maibabalik o hindi ang parusang kamatayan, dapat tutok muna nang husto sa peace and order.

Dapat na masawata ang ganitong mga krimen, madakip ang mga kriminal at mabantayan ang mga mamamayan sa kasalukuyan.

Dito hinahanap ng mamamayan ang masidhing pagtatrabaho ng law enforcement.

 

DAPAT

DITO

ILOILO

JERRY TRENAS

REVISED PENAL CODE

SA KAMARA

TITO SOTTO

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with