Uok (193)
“UOKCOCO?’’ Hindi kumukurap si Gab habang nakatingin kay Drew. Nasa isang restaurant sila na paborito nilang puntahan. Parang hindi makapaniwala sa natuklasan niyang panlaban sa peste ng niyog.
“Oo, Gab. Uokcoco. Black uok ito. Nadiskubre ko minsang nasa niyugan kami ni Tiyo Iluminado. Pinipeste ang niyugan niya. Siya ang unang nakapansin sa black uok. Nang eksaminin ko at pag-aralan, nilalabanan pala nito ang mga pesteng white uok. Sa isang iglap, pinapatay ng black uok ang mga white uok. Yung niyugan ni Tiyo Iluminado ay nawala ang mga pesteng white uok at marami nang bunga ngayon. Parang nagkaroon ng bagong buhay ang mga niyog.’’
“Maganda ang natuklasan mo, Drew. Iyan ang sagot sa problema ng mga magsasaka ng niyog. Alam mo ba na sa isang coconut plantation sa Laguna ay wala nang naaaning niyog ang mga magsasaka. Isang taon nang may peste ang kanilang mga niyog kaya wala silang pinagkakakitaan. Yung mga anak nilang nag-aaral ay tumigil dahil wala silang maitustos. Hanggang ngayon ay walang magawa ang Department of Agriculture sa problema. Hindi sila kumikilos. Kawawa ang mga magsasaka.’’
“Dapat pala, mabigyan ng Uokcoco ang mga magsasaka sa Laguna.’’
“Oo Drew, kawawa sila. Hindi makakapag-aral ang mga anak nila.’’
“Marami nang bumili ng Uokcoco kay Tiyo Iluminado. Ang sabi ko, ipagbili nang mataas sa mga mayayamang coconut owners --- P1,000 bawat Uokcoco at P100 naman kung mahirap na magsasaka.’’
“A okey yun. Kasi dapat din namang kumita ang nakatuklas ng Uokcoco.’’
“Oo, Gab. At isa pa, gumagastos din sa mga container na lalagyan ng Uokcoco. KailaÂngang ilagay sa container na may kahalong bunot ng niyog para dumami.’’
“May breeding area kayo?â€
“Oo. Pero maliit lang. Sabi ni Tiyo kailangang makapagpagawa ng bagong breeding room na mas malaki.’’
“Kung iyon ang dapat, gawin n’yo Drew. Palagay ko, maraming mangaÂngailangan ng Uokcoco dahil ang ating bansa ay maraming niyog. KatunaÂyan, tayo ang malakas mag-export ng coco proÂducts. Yung nata de coco natin, mabili sa Japan. At yung virgin coco oil, ini-export natin sa US at Canada. Mabisa raw kasi. Kaya kailangang mapaÂngalagaan ang mga niyog.’’
“Dapat pala talaga makapagpagawa nang maÂlaking breeding area.’’
“Palagay ko, yayaman ka, Drew. Nakikita ko.’’
“Kung yayaman ako, kasama ka ring yayaman dahil magiging mag-asawa tayo.’’
Nagtawa si Gab.
“Ang sarap siÂ- gÂuro ng mayaman.’’
Nagyaya na si Gab na umalis. Gabi na. Walang kasama ang kanyang daddy sa bahay.
Habang naglaÂlakad, may sinabi si Gab. “Gusto kong sumama sa probinsiya, Drew. Gusto kong makita ang mga Uokcoco.’’
(Itutuloy)
- Latest