^

Punto Mo

Uok (185)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“A NG Uokcoco na may orange stripes ang lalaki samantalang yung may guhit na puti ang babae,” sabi ni Drew habang pinagmamasdan ang mga Uokcoco na gumagapang sa container.

“Tama ka, Drew. Ma­husay kang scientist!”

“Tiyak na yayaman tayo, Tiyo Iluminado. Hindi ako nagbibiro. Alam mo po kung bakit?”

“Bakit, Drew?”

“Kasi parami po nang parami ang mga sakit na dumadapo sa mga niyog. Kung anu-anong sakit ang pumipeste sa mga niyog at wala namang magawang paraan ang Department of Agriculture. Pinababayaan nila na mamatay ang mga niyog. Wala silang pagmamalasakit sa  niyog na itinuturing na ‘puno ng buhay’. Hindi sila kumikilos gayung ang niyog ay maraming pakinabang.’’

“Tama ka Drew. Maraming pakinabang sa niyog. Mula sa dahon, bunga at katawan ay may pakinabang. Malaki ang itutulong ng niyog sa ekonomiya, Drew.”

“Tama ka Tiyo Iluminado. Malaking pera ang pinapasok ng coco industry sa ating bansa. Kaya ngayong nakatuklas tayo ng panlaban sa peste ng niyog, makakatulong tayo sa pagpapalago ng ekonomiya. Pero siyempre makikinabang din tayo sa ating natuklasan.’’

“Paano ang gagawin natin ngayon, Drew?”

“Iinspeksiyunin natin ang lahat nang niyog mo, Tiyo Iluminado. Yung lahat nang makikitaan natin na pininsala ng white uok ay lalagyan natin ng mga Uokcoco.’’

“Aba madali ’yan, Drew. Halos alam ko na ang mga puno ng niyog na may white uok. Hindi na tayo mahi­hirapan.’’

“Once na nailagay natin ang mga Uokcoco sa mga niyog na pineste at napatuna­yang napatay ang mga white o bad uok, mag-uumpisa na tayong magbenta ng mga Uokcoco. Puwede na nating ialok sa mga coconut farmers o sa mga hasyenda. Dito na mag-uumpisa ang ating pag-unlad, Tiyo…’’

Hindi makapagsalita sa kasiyahan si Tito Iluminado. Yayaman na siya.

(Itutuloy)

 

ALAM

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DREW

NIYOG

TAMA

TITO ILUMINADO

TIYO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with