^

Punto Mo

Si Kangkang: Ang baby na may dalawang mukha

- Arnel Medina - Pang-masa

HINDI akalain ni Yi Xilian ng Hunan Province, China, na ipanganganak niya ang kanyang baby na may deformity. Nang ipinagbubuntis umano niya ang sanggol ay wala naman siyang nararamdamang kakaiba. Wala rin daw siyang iniinom na gamot habang nagbubuntis na maaaring nakaapekto sa baby. Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang anak na pinangalanan niyang Kangkang dahil dalawa ang mukha nito.

Ayon sa mga doctor si Kangkang ay may deformity na tinatawag na transverse facial cleft. Kapag tiningnan ang baby para siyang may maskara. Ang kanyang cleft ay naka-extend hanggang sa kanyang taynga.

Si Yi ang tanging bumubuhay sa kanyang anak. Hindi raw niya alam kung nasaan na ang ama ng anak. Kaya nakikiusap siya rito na sana’y makita nito ang kanilang anak. Nagtatrabaho umano si Yi sa isang kompanyang gunagawa ng electronics sa Guangdong Province. Hindi sapat ang kinikita niya.

Humingi ng tulong si Yi sa mga kaibigan at kakilala para maipagamot ang anak na si Kangkang. Kailangan daw ay maoperahan agad ito. Ang pagbabayaran daw ni Yi sa operasyon ay 400,000 Yuan.

Hanggang sa may sumagot sa operasyon ni Kangkang. Gagawin ang operasyon sa People’s Liberation Army’s Military Hospital. Tuwang-tuwa si Yi. --www.oddee.com--

 

AYON

GAGAWIN

GUANGDONG PROVINCE

HUNAN PROVINCE

KANGKANG

KAYA

LIBERATION ARMY

MILITARY HOSPITAL

SI YI

YI XILIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with