10 boksingerong sumikat… yumaman …at muling bumalik sa paghihirap:
Leon Spinks
Isang Amerikanong negro na may overall record: 26 wins, 17 losses and three draws as a professional, with 14 of those wins by knockout. Ipinanganak siya noong 1953. Lumaki siya sa lugar ng mahihirap at crime-infested area ng St.Louis, Missouri, kaya bata pa ay astig na at sanay sa bugbugan. Naging champion boxer din ang kanyang kapatid na si Michael. Nang nasa grade 10, tumigil siya sa pag-aaral at pumasok sa pagsusundalo. Sumali siya All-Marine Boxing team. Noon nag-umpisa ang kanyang boxing career.
Sa 1974 World Games sa Cuba, nakuha niya ang bronze medal bilang light heavyweight. Sumunod ay silver medal sa Pan-American Games, at light heavyweight gold medal sa 1976 Summer Olympics sa Montreal, Canada. Sumikat si Spinks nang talunin niya si Muhammad Ali noong 1978 at naagaw ang World Heavyweight Title. Siya ang last undisputed heavyweight champion bago lumutang ang papasikat pa lang noon na si Mike Tyson. Nagtapos ang kanyang boxing career noong 1995.
Ngayon ay pakalat-kalat na lang siya dahil isa na siyang homeless. Inamin niyang inubos niya ang pera sa drugs. Nagtrabaho siya bilang janitor sa YMCA ng Columbus Nebraska. Minsan ay rumaraket na tagalinis ng public toilet.
- Latest