^

Punto Mo

Dagdag sa SSS at PhilHealth premiums, parusa sa manggagawa

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAHIRAP tanggapin ang katwiran ng Social Security System (SSS)  at Philippine Health Insurance (PhilHealth)  na para rin daw sa kapakanan ng mga miyembro ang desisyon na itaas ang monthly contributions.  Magiging dahilan ito ng dagdag na pahirap sa mga manggagawa.

Ayon kay Presidential Com­­munications Secreta­ry Sonny Coloma, dumaan daw sa masusing pag-aaral ang pagtataas ng kontribus-yon sa SSS at PhilHealth. Pero teka Secretary Coloma, yun bang pagbibigay ng milyong pisong bonus sa mga opisyal ng SSS ay pinag-isipan bang mabuti?

Ikinonsidera ba ng mga opisyal na ito ang paghihirap ng mga manggagawa sa araw-araw na pagtratrabaho at hindi na malaman kung papaano iba-budget ang kakarampot na kita?

Dahil sa desisyong ito ng SSS at PhilHealth, napalaki na naman ang kakaltasin sa suweldo ng mga manggagawa na dagdag pahirap na naman sa mamamayan. Bukod kasi sa mataas na presyo ng bilihin ay masakit sa bulsa ang mataas na singil sa kuryente, tubig at iba pang serbisyo na tila hindi na kakayanin pa ang makapamuhay ng maayos sa minimum wage ng mga manggagawa.

Dapat bago ipinatupad ang pagtataas na contributions sa SSS at PhilHealth ay pinagbuti muna nila ang serbisyo sa kanilang mga miyembro. Kung maayos at kuntento sa performance nila sa mga miyembro walang magrereklamo.

Panahon na para ilantad sa publiko ang mga detalye ng mga gastusin ng SSS at PhilHealth. Ito ay upang malaman ng mga miyembro kung saan talaga napupunta ang kanilang pondo at kung tama ang pangangasiwa ng mga opisyal.

Hanggang ngayon marami pa ring miyembro ng SSS at PhilHealth ang hindi kuntento sa performance lalo na sa claims at iba pang transaksiyon. Masyadong mahaba at matagal ang proseso sa kanilang mga tanggapan.

Ang dapat gawin ng SSS at Philhealth ay tanungin muna ang mga miyembro na nakapila at naghihintay nang matagal sa kanilang tanggapan kung sila ba ay kuntento sa ibinibigay na serbisyo ng ahensiya. Kung aprub sa mga miyembro ang kanilang performance, hudyat ito na puwede na silang magtaas ng contributions.

Sana maging masinop ang mga opisyal ng SSS at PhilHealth sa kanilang mga gastusin. Sana tunay ang pagmamalasakit nila sa mga miyembro at hindi puro pagpapahirap ang alam nilang gawin sa mga ito..

Sana may grupo ng mga manggagawa na magpursige para maimbestigahan ang financial statements ng SSS at PhilHealth para malantad sa publiko kung napapangasiwaan nang tama ang pondo.

 

KUNG

MIYEMBRO

PHILHEALTH

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE

PRESIDENTIAL COM

SANA

SECRETARY COLOMA

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with