^

Punto Mo

Uok (3)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPUTOL ang punong niyog. Bumagsak sa lupa ang mahabang katawan. Parang lumindol.

Nilapitan ni Tiyo Iluminado ang bumagsak na  niyog­ at sinibak ang bahaging pinagputulan. Nakatingin naman si Drew. Mukhang matigas pa ang niyog. Paano kaya nagkaroon ng uok gayung matibay naman.

“Halika, Drew,” tawag ni Tiyo Iluminado.

Lumapit si Drew.

“Eto ang uok! Tingnan mo ang dami!”

Nakita ni Drew ang mga uok na nagkikislutan. Puti ang mga iyon. Matataba. Mapintog ang katawan at may itim sa dakong nguso.

“Marami pang uok sa ilalim ng punong yan.’’

“Pero tingin ko matibay pa ang niyog, Tiyo.”

“Sa panlabas, mukhang matibay pero mahina na ang loob niyan. Unti-unti kasi ang pagkain ng mga uok. At ang ubod ang kanilang sinisira. Yung matigas na bahagi ng niyog ay hindi nila makain kaya yung malambot ang inuupakan nila. Kapag naka-penetrate na ang mga uok, maninilaw ang palapa ng niyog at mamamatay na.”

“Anong ginagawa sa mga uok na ‘yan Tiyo?”

“Kinakain ‘yan. Maprotina raw. Pero ako, hindi kumakain niyan. Sabi pa ay mahusay daw yan sa hindi tinitigasan. Ewan ko lang kung totoo.’’

“Puwede kaya akong kumain n’yan Tiyo,” sabi ni Drew at nagtawa.

“Baka hindi mo kayanin. Baka bumaliktad ang sikmura mo.’’

“Biro lang Tiyo.’’

“Kukunin ko ang uok at ipapain ko sa kawil. Gusto ng dalag ang uok.’’

“Paano ang ginagawa para mapigilan ang uok, Tiyo?”

“Wala akong alam na gamot dyan. Mahirap daw patayin ang uok kapag naka-penetrate na sa niyog. Mabilis dumami.’’

Tinulungan ni Drew si Tiyo Iluminado sa pagkuha ng mga uok. Inilagay iyon sa isang timbang may takip.

Habang hawak ni Drew ang isang uok ay pinagmamasdan niya ang katawan nito. Malambot na malambot. Hindi nga niya kakayaning kainin ito.

KINABUKASAN, dumungaw muli si Drew sa bintana at nakita uli niya ang babaing naliligo sa batalan.

(Itutuloy)

ANONG

BIRO

DREW

NIYOG

PAANO

PERO

TIYO

TIYO ILUMINADO

UOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with