Paano sinisira ng paninigarilyo ang baga?
KARANIWAN nang nakakakita ng taong naninigarilyo, lalaki man o babae. Karamihan sa pamilyang Pilipino ay may miyembro na smoker. Nagkakaiba-iba lamang sila sa dami ng sticks ng sigarilyo na nauubos araw-araw. At kahit may smoking ban sa maraming siyudad at bayan sa bansa, hindi pa rin nahihinto ang nakasanayang bisyo.
Ang usok ng sigarilyo ay nagtataglay nang napakara-ming substances na nakasasama sa katawan gaya ng kemikal, gas, at maliliit na droplets ng “tarâ€. Karamihan dito ay puwedeng magdulot ng kanser.
Ano ang nangyayari sa loob ng baga kapag naninigarilyo? Ang irritants na taglay ng usok ay nagdudulot nang pagsikip sa daluyan ng hangin at nagbibigay-daan upang ang bronchial tubes ay magpundar nang maraming mucus o plema. Sinisira rin ng irritants ang cells ng ating immune system sa baga. Nasisira rin nito ang tamang balance ng pulmonary enzymes kaya madaling makapasok ang iba’t ibang sakit sa baga.
Ang nalanghap na usok ng sigarilyo ay nagpapabagal sa normal na paggalaw-galaw ng tinatawag na “cilia†(parang maliliit na balahibo) sa ating windpipe at bronchial tubes na nagtataboy sana sa foreign materials na nakapapasok sa baga. Mahalaga ang mga “cilia†na ito upang mapanatiling malusog ang baga.
Ipinapaalala ko rin na nagtataglay ng carbon monoxide ang usok ng sigarilyo. Hindi mabuti sa katawan ang carbon mono-xide sapagkat kapag humalo ito sa ating hemoglobin, nabubuo ang tinatawag na “carboxyhemoglobin†na humaharang sa pagdaloy ng kinakailangang oxygen sa mga tissues ng ating katawan. Kung susuriin ang level ng “carboxyhemoglobin†sa dugo ng isang taong naninigarilyo, ito ay nasa pagitan ng 8 to 10 percent. Samantala, ang mga taong hindi naninigarilyo ay aabot lamang ng hanggang 1.5 percent.
Paano kung gumagamit ng “pipa†sa paninigarilyo? Mas masasabi bang healthy ito? Wala ba itong panganib na idudulot sa katawan?
Totoo na hindi tahasang nalalanghap ang usok ng sigarilyo ng mga taong gumagamit ng pipa kaya marami ang naniniwalang hindi sila kakapitan ng sakit sa baga. Pero hindi ito garantisado. Mataas pa rin ang insidente ng mga sakit sa baga sa mga taong naninigarilyo gamit ang pipa kaysa mga taong hindi naninigarilyo.
Mas mabuting ihinto ang paninigarilyo. Huwag nang subukan pang manigarilyo upang makaiwas sa panganib nang maraming sakit.
• • • • • •
Binabati ko ang aking inaanak na si Arniel “Junel†Bernardo Jr. na ikinasal kay Joanna Nagayo noong June 15, 2013 sa Cabanatuan City. Si Junel ay panganay na anak nina Arniel Bernardo Sr. at Julieta Maniquiz ng San Ricardo, Talavera, Nueva Ecija.
- Latest