Pagbuwag sa Customs
NAGPAPATAWA ba o nagÂÂbibiro si Customs Commissioner Ruffy Biazon nang umano’y ipanukala nito na buwagin ang kanyang tanggapan.
Kinumpirma ng MalacaÂñang na lumutang ang isyung pagbuwag sa Customs pero wala pa itong detalye. Pinag uusapan pa lang ang ideya. Marahil, pinalutang ni Biazon ang panukalang pagbuwag dahil sa sama ng loob matapos malantad ang kapalpakan ng Customs na masugpo ang smuggling.
Kung mabubuwag daw ang Customs, ang ipapalit dito ay pribadong institusyon na mangangasiwa sa mga pumapasok na produkto at pagsingil ng buwis. Pero hindi ba alam ni Biazon na pribadong grupo ang kasabwat ng mga corrupt official sa Customs kaya namamayagpag amg smuggling.
Hindi solusyon ang pagbuwag sa Customs para masawata ang smuggling. Mas maari pa ang pagsibak kay Biazon at iba pang opisyal dahil mahina amg kanilang performance. Kung suko na si Biazon sa kasalukuyang setup ng Customs, makabubuting lumayas na siya at ipaubaya ito sa ibang mas may kakayahan.
Nararapat balasahin ang mga opisyal at tauhan ng Customs para mapilay ang operasyon ng smuggler. Bukod dito, may mga report na may mga malapit kay P-Noy na sangkot sa smuggling. Walang kamalay-malay ang Presidente na ang kanyang mga pinagkakatiwalaan ay nagsasamantala.
Bakit hindi subukan ni P-Noy na palitan ang Customs commissioner at ipalit si Sen. Ping Lacson. May kakayahan si Lacson na magpatupad ng reporma at kayang bumangga sa mga smuggler sa bansa. Nasubukan na ang performance ni Lacson noong siya pa ang PNP chief. Kahanga-hanga rin si Lacson sa hindi niya pagkuha sa kanyang pork barrel.
- Latest