Pinakamabahong keso sa buong mundo!
ANG Epoisses ang sinasabing pinaka-mabaho o pinaka-maamoy na keso sa buong mundo. Matatagpuan ang Epoisses sa France. Dahil sa taglay na amoy ng kesong ito, ipinagbabawal ang pagdadala nito sa loob ng mga pampublikong sasakyan gaya ng bus at mga tren sa buong France. Mai-imagine kung gaano kabaho o kaamoy ang Epoisses dahil mahigpit na pinagbabawal sa public transportation vehicles.
Pero alam n’yo ba na ang kesong ito ang paborito ni Napoleon Bonaparte. Si Bonaparte ang unang emperador ng France (1804-1815). Siya ang itinuturing na pinakasikat at pinaka-mahusay na military leader ng France. Umano’y hindi kumpleto ang araw ni Bonaparte kapag hindi nakakain ng Epoisses.
Ang Epoissess ay gawa mula sa gatas ng baka. Sinasabing kaya grabe ang amoy ng kesong ito ay sapagkat ang ipinanghuhugas ay ang tinatawag na pomace brandy. Habang tumatagal ang kesong ito ay lalong tumitindi ang amoy.
Sinasabing ang amoy ng Epoisses ay kahalintulad ng taong hindi naligo ng ilang linggo.
- Latest