^

Punto Mo

Hindi astig kung may astigmatism ang mata

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

TIYAK na narinig n’yo na ang terminong astigmatism. Ginagamit ito kapag tinutukoy ang linaw o labo ng mata. Sa pagsusuri ng ating mata, maaaring sinabing nearsighted o farsighted ang ating vision pero maaaring may binabanggit na kaakibat na “astigmatism” ito. 

Madalas, hindi malinaw sa atin kung ano ang ibig sabihin nito. Basta’t sasabihin na lang ng optometrist na may astigmatism tayo.

Ang astigmatism ay isang uri ng refractive error na dulot ng hindi pantay na pagkurba ng cornea ng mata. Sa isang normal na mata, ang dome ng cornea ay nakakurba nang pantay at makinis sa lahat ng direksyon. Isipin natin ang Araneta coliseum na sa loob ay nakakurba nang maayos ang “dome” nito. Kahit saan ka tumingin, pantay ang curve nito. Ganiyan ang normal na mata.

Sa isang matang may astigmatism, ang dome ng cornea ay hindi pantay. May bahaging medyo flat o medyo iba ang hugis. Hindi kuha ang perfect dome na gaya ng Araneta Coliseum kung kaya’t lumalabo sa ilang area na tinatamaan nito. Minsan naman, normal pa rin ang hugis o dome ng cornea pero ang may problema ay ang lente sa loob ng mata.

Madalas, ipinapanganak na tayong may astigmatism. Hindi lang ito nagiging pansinin. Kapag nagsimulang lumabo ang mata, doon lamang natin natutuklasang may kaakibat palang astigmatism ang ating pagiging nearsighted o farsighted. Kadalasang hindi nagbabago ang kondisyong ito: hindi bumubuti pero hindi rin naman lumalala kahit magkaedad pa tayo.

Minsan, nagkakaroon tayo ng astigmatism matapos magkaroon ng injury o operasyon o sakit sa mata. Kung minor lamang ang astigmatism, wala  agad makikitang senyales o sintoma. Ito ang dahilan kung bakit natutuklasan lamang ito kapag nagpasuri na ng mata dahil sa nagsisimulang paglabo nito. May solusyon naman para rito. May cylindrical corrective lens na para rito. Kapag sinukatan tayo ng salamin para sa mata, at nakitang may kaakibat na astigmatism ito, ang lenteng ibibigay sa atin ay may correction na rin para sa astigmatism.

Puwede ring ipaopera ang astigmatism para maiayos ang hindi pantay na curvature ng mata. Pero madalas ay hindi na ito kinakailangan pa.

ARANETA

ARANETA COLISEUM

ASTIGMATISM

GANIYAN

KAPAG

MADALAS

MATA

MINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with