^

Police Metro

Catenary wire ng LRT-2, nasapol ng kidlat

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nawasak ang catenary wire ng isang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2), na siyang nagsusuplay ng kuryente sa rail line matapos na tamaan ng kidlat kamakalawa ng gabi, sa kasagsagan ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator Atty. Hernando Cabrera, alas-9:44 ng gabi nang maganap ang insidente sa Gilmore Station ng LRT-2 at nairekord pa ito ng kanilang CCTV.

Sinabi ni Cabrera na nasa 70 metro ang haba ng catenary wire na na­pinsala dahil sa kidlat.

Hindi rin umano nila kaagad na nakumpuni ang sira dahil sa sunud-sunod na mga pagkidlat na naganap.

Aniya, kaagad rin silang nagpalabas ng abiso na maaaring maantala ang pagsisimula ng kanilang operasyon nitong Lunes.

Magdamag aniyang trinabaho ng kanilang maintenance team ang sira at mabuti na lamang aniya ay natapos nila ang pagkukumpuni at testing, alas-3:30 ng mada­ling araw kahapon kaya’t nakapagsimula ng operas­yon, alas-5:00 ng madaling araw.

vuukle comment

LRT 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with