^

Police Metro

Balakin ng CPP-NPA-NDF, patuloy na babantayan ng NTF-ELCAC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Nakabantay kami sa anumang balakin ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, kahit pa mahihina na ang mga guerilla fronts nito sa Cagayan Valley at karatig na mga lugar.”

Ito ang tiniyak ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director and Undersecretary Ernesto Torres Jr. at ang mga partner matapos manawagan ang Pangulong Ferdinand R. Marcos na maging handa sa ‘external threats’ dahil sa tensiyong ‘geopolitical’ sa Indo-Pacific region.

Sa isang kaganapan sa Isabela province, ibinahagi ni Pangulong Marcos Jr. ang pagiging malapit na lokas­yon ng bansa sa Taiwan, na pinag-iinteresan ng China na mapasa-kanilang muli.

Aniya ito ang dapat na pinaghahandaan ng mga nasa ‘northern Philippines’ sa anumang maaa­ring mangyari.

Kanya rin ipinagdiinan ang pangako ng pamahalaan na ipaglaban at idepensa ang mga teritoryo ng bansa at hindi isusuko ang mga boundary nito, at pangalagaan ang kapayapaan sa.pamamagitan ng mga ‘diplomatic efforts.’

Sa pagtugon sa pabago-bagong ‘geopolitical landscape’ at mga banta, itinalaga ng pamahalaan ang Cagayan bilang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site, sa pakikipag-tulungan ng bansang Amerika, ang pinaka-malapit na ‘military ally’ ng bansa.

vuukle comment

CPP-NPA-NDF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with