^

Police Metro

Lalaki na tadtad ng tattoo patay sa pulis

Ghio Ong - Pang-masa
Lalaki na tadtad ng tattoo patay sa pulis
Batay sa ulat ng Manila Police District’s (MPD) Raxabago Station, bago nangyari ang insidente, nitong Hunyo 22,2024 ganap na alas-6:15 ng gabi ay hinahabol ng biktima na armado ng baril ang isang “Jody” sa kahabaan ng hallway ng ikalawang palapag ng Building 25, Permanent Housing Barangay 128, Zone 10, Tondo, Maynila.
STAR / File

MANILA, Philippines — “Kasi ang pinsan ko maraming tattoo, naangasan si suspect kaya pinaghinalaan. Nakainom po ang pulis.”

Ito ang inihayag ng pamilya ng nasawing biktima na si Jonathan Araya Marcial, 33-anyos, residente ng General Trias City, Cavite matapos barilin ng suspek na pulis na si Police Corporal Jonenick Hernane Gueta, 33-anyos, nakadestino sa MPD’s Delpan Station.

Batay sa ulat ng Manila Police District’s (MPD) Raxabago Station, bago nangyari ang insidente, nitong Hunyo 22,2024 ganap na alas-6:15 ng gabi ay hinahabol ng biktima na armado ng baril ang isang “Jody” sa kahabaan ng hallway ng ikalawang palapag ng Building 25, Permanent Housing Barangay 128, Zone 10, Tondo, Maynila.

Ayon kay MPD spokesman Maj. Philipp Ines, nagkataon nandoon ang pulis na si Gueta na nakasibilyan at narinig ang kaguluhan at dito umano ay kanyang pinigilan si Marcial at nagpakilalang pulis.

Subalit, hindi umano pinansin ng biktima si Gueta kaya’y itinutok ang dalang baril at kinalabit umano, subalit hindi umano pumutok kaya’t dinepensahan ng huli ang sarili at binunot ang dalang baril at pinagbabaril ang una na nasawi sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober ng pulis ang baril na 9-mm at mga bala kay Marcial. Nakahandang magsampa ng reklamo ang pamilya ni Marcial laban kay Grueta.

“Sa isang putok makakagalaw pa ‘yan, pagputok ng isa makakabawi pa siya ng putok. Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko,” pahayag ni Grueta sa mga reporter.

Kasalukuyang nakakulong si Gueta sa MPD’s Homicide Unit na patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa kaso.

 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with