^

Police Metro

7 bahay tupok sa sunog sa Las Piñas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Siyam na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Almanza, Las Piñas City, Sabado ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Walter Rosita, sa St. Mary Homes, Almanza, Las Piñas City alas-2:00 ng madaling araw ng Set­yembre 28.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Las Piñas, F/Chief Inspector Garynel Julian, siksikan at masikip ang mga daan papasok kaya nahirapan silang makapuwesto na nagawan naman ng paraan upang magkasundo na isang hilera lang ang lahat ng firetrucks, kasama ang fire volunteers.

Umakyat lang sa ikalawang alarma ang sunog na ganap na naapula dakong alas-3:40 ng madaling araw. Itinaas ang ikalawang alarma ng 2:24 ng madaling-araw kung saan higit 10 firetrucks at volunteer fire brigade ang rumesponde.

Nasa pitong kabahayan ang nasunog na nagsimula sa isang apartment at mabilis na kumalat. Wala namang nasaktan o nasugatan sa sunog na hindi pa tukoy ng BFP ang sanhi.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with