Signal No. 5 sa Catanduanes, Signal No. 4 sa Camsur
Bicol region hinahagupit ni ST Pepito
MANILA, Philippines — Nakataas sa Signal No. 5 at Signal Number 4 ang ilang lalawigan sa Bicol Region habang patuloy ang pagbayo ng Super Typhoon (ST) Pepito sa hilagang silangan ng nasabing rehiyon.
Alas-2 ng hapon kahapon, ang sentro ng ST Pepito ay namataan ng PAGASA sa layong 145 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 195 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 240 kilometro bawat oras.
Dulot nito, nakataas ang lakas ng bagyo sa Signal Number 5 sa Catanduanes at Signal Number 4 sa northeastern portion ng Camarines Sur (Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, San Jose, Tigaon, Sagñay) at northeastern portion ng Albay (City of Tabaco, Tiwi, Malinao, Malilipot, Bacacay, Rapu-Rapu).
Signal No. 3 naman sa Luzon sa Polillo Islands, southeastern portion ng mainland Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista), Camarines Norte, nalalabing bahagi ng Camarines Sur, nalalabing bahagi ng Albay, northern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat, Barcelona, Castilla, Casiguran, Pilar, Donsol)
Signal number 3 rin sa Visayas sa eastern at central portions ng Northern Samar (Palapag, Laoang, Mapanas, Gamay, Lapinig, Catubig, Pambujan, Las Navas, Biri, Bobon, Catarman, Mondragon, San Roque, Silvino Lobos, Lope de Vega, San Jose) at sa northern portion ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Oras, Jipapad).
Signal Number 2 sa mga bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila, Rizal, nalalabing bahagi ng Quezon, Laguna, Cavite, Marinduque, nalalabing bahagi ng Sorsogon, Burias Island, at Ticao Island at ilang lalawigan ay bayan sa Visayas habang signal number 1 naman sa ilang bahagi pa sa Visayas.
Sa susunod na tatlong araw, bago kumilos pakanluran hilagang kanluran sa November 18, Lunes hanggang Huwebes November 21, si Pepito ay kikilos sa pagkalahatang direksyon ng kanluran hilagang kanluran..
Ngayong weekend si Pepito ay kikilos pakanluran hilagang kanluran at daraan sa lokalidad ng Bicol Region, Central Luzon, Quezon at southern portions ng Ilocos Region and Cordillera Administrative Region bago sumapit sa West Philippine Sea ngayong linggo ng gabi o lunes ng umaga.
Ang mga lugar na ito ay makakaranas ng matinding pag-ulan, malakas na hampas ng hangin at storm surge.
Si Pepito ay nasa typhoon category pa rin oras na lumapit sa West Philippine Sea.
Ngayong Nob. 17, ng alas-11 ng umaga, si Pepito ay inaasahang nasa katubigan ng Burdeos, Quezon at inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes, November 18.
- Latest