^

Police Metro

‘Alice Guo espiya, handang ialay ang buhay sa China!’

Joy Cantos - Pang-masa
‘Alice Guo espiya, handang ialay ang buhay sa China!’
Alice Leal Guo (L), former mayor of Bamban in Philippine's Tarlac province accused of human trafficking and links to Chinese organized crime, answers questions during a press conference in Manila on September 6, 2024, after being deported following her arrest in Indonesia on September 3. Alice Leal Guo, a former mayor of a town north of the capital Manila, has been on the run since she was linked to a Chinese-run online gambling centre where hundreds of people were forced to run scams or risk torture.
AFP / Jam Sta Rosa

DILG, PNP nag-iimbestiga na..

MANILA, Philippines — Magsasagawa ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa lumutang na alegasyon na isang espiya ng China ang na-dismiss na si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na isinasangkot sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Ga­ming Operators (POGOs) sa bansa.

“Definitely DILG-PNP [Department of the Interior and Local Government-Philippine National Police] should investigate these allegations,” pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos sa gitna naman ng paglutang sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara nitong Biyernes ng gabi ng isang documentary video ng Al Jazeera na ipinakikita sa presentasyon na inamin ni She Zhiijiang, isang self-confessed Chinese spy na siya at si Guo ay kapwa may dedikasyong mag-espiya na handang ialay ang buhay sa Ministry of State Security (MSS) ng China.

Ayon kay Abalos, aatasan niya si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil para siyasatin ang seryosong alegasyon ng detenidong Chinese spy na magkasama sila ni Guo sa misyon.

“It’s unfair, hindi ako spy,” tugon naman nitong Biyernes ng gabi ni Guo kay Davao del Norte 2nd District Rep. Cheeno Almario nang tanungin siya kung totoo ang isiniwalat ni She na kasamahan niyang espiya ng MSS si Guo.

Ang MSS ay responsable sa pang-eespiya ng China sa ibang bansa, ­maging sa counter-intelligence, at seguridad sa pulitika na ikinokonsiderang isa sa makapangyarihan at masikretong security ­agency sa buong mundo.

Sa nasabing video, sinabi ni She na si Guo ay si Guo Hua Ping na Chinese name ng nasabing natanggal na alkalde, na hindi aniya dapat pagkatiwalaan at hinikayat itong sabihin na sa buong mundo ang katotohanan dahil sa siya ay bistado na.

Idinagdag pa ni She na humihingi umano si Guo na pondohan niya ang mayo­ralty campaign nito sa bansa noong Mayo 2022 polls pero tinanggihan umano niya ito.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with