PNP, LTO sanib-puwersa vs motorcycle theft
MANILA, Philippines — Nagsanib puwersa na ang Philippine National Police (PNP) at Land Transportation Office (LTO) laban sa motorcycle theft sa bansa.
Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, mapipigilan na ang pagtaas ng kaso ng motorcycle theft at mga responsable rito matapos naman ang nabuong kasunduan ng PNP at LTO sa “interconnectivity” ng kani-kanilang mga information and communications technology (ICT) system.
Ayon kay Abalos, mahalaga ang pagsasanib-puwersa ng PNP at LTO lalo na ngayong umaabot na sa 30,000 kada taon ang mga kaso ng pagnanakaw ng mga motorsiklo sa buong bansa.
Ani Abalos, magtatalaga ng pulis mula sa PNP-HPG sa LTO Command Center upang mas mapabilis ang pag-verify sa mga kinakailangang impormasyon tulad ng detalye ng certificate of registration, official receipt at kung nakaw ang motorcycle.
Sa pamamagitan ng nasabing kasunduan, maaari nang i-verify at ma-access ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) sa ICT system ng LTO ang record ng mga motor na kasalukuyang iniimbestigahan o inilagay sa alarma.
- Latest