^

Police Metro

AWOL na pulis, nananita ng rider, tinodas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang dating pulis ang pinagbabaril ng riding-in-tandem nitong Sabado ng madaling araw sa Caloocan City.

Idineklarang dead on arrival sa Caloocan Medical Center (MCM) ang biktimang si alyas Christian, 40, dating pulis ng Malabon City Police dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Habang isa sa mga suspek ay nakilalang si alyas Jay, 27.

Batay sa report, nangyari ang insidente dakong alas-4:20 ng madaling araw sa A. Mabini St., Brgy. 15, ng nabanggit na lungsod.

Bago ito, sinita at hiningan ng biktima ng lisensiya si alyas Jay, driver ng Mio Motorcycle (8162-UO).

Tinanong din ng biktima si alyas Jay sa kung ano ang ginagawa sa Libis Nadurata St., nang biglang lumapit ang isa pang lalaki na naka-helmet at pulang t-shirt at pinagbabaril ng ilang ulit ang dating pulis.

Matapos ito ay tumakas ang mga suspek at iniwan ang gamit na motor.

Napag-alaman na nasibak sa tungkulin ang biktima dahil nag-AWOL (absent without official leave) sa kasagsagan ng Oplan Tokhang.

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with