^

Police Metro

Kalbaryo ng tubig sa CAMANAVA hanggang Mahal na Araw

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aabutin hanggang Mahal na Araw ang kalbaryo ng mga residente sa CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) nang inanunsyo ng May­nilad na tuloy ang off-peak daily water interruptions hanggang Abril 15.

Sa abiso ng Maynilad, mawawalan ng suplay ng tubig sa lugar mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng madaling araw  dahil umano sa pagtaas ng pangangailangan sa tubig dulot ng mainit na panahon.

Dahilan din nito ay ang mabilis na pagkaubos ng tubig sa mga reservoir.

Ang mga nasabi uma­nong interruptions ay ma­­katutulong para ma­ka­pagpuno ang Maynilad ng mga reservoir tuwing gabi bilang paghahanda sa mataas na demand kapag peak hours tuwing umaga.

Unang nasampolan ang lungsod ng Valenzuela ng water interruption, kung saan umabot sa 23 barangay ang nawalan ng tubig mula Miyerkules ng 10 pm, Marso 9, hanggang 6 am ng Huwebes, Marso 10. Kasunod nito ay nagputol na din ng supply ng tubig sa mga katabing lungsod ng Ca­loocan, Malabon at Navotas kapag off-peak hours.

CAMANAVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with