^

Police Metro

Socmed gagamitin para sa epektibong paghahatid ng mga impormasyon at serbisyo - Nograles

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nais ni dating Davao representative at Civil Service Commission Chair Karlo Nograles na higit pang mapakinabangan ang social media, mga popular na internet, at telecom services na gamitin ito sa araw-araw na paghahatid ng mga impormasyon at serbisyo, na magsisilbing daan din upang mas lalong mailapit ang mga mamamayan ng Davao City sa pamahalaang lokal.

“We will increase the use of Facebook, Instagram, YouTube, TikTok and other socmed platforms. Nasa digital age na tayo. Internet and social media are streadily replacing TV, radio, and newspapers as our primary sources of info,” mariing sabi pa ni Nograles.

“Marami nga sa atin, sa simula pa lang ng araw, nakatutok na sa social media gamit ang cellphone at gadget. Bumibilis rin ang pag-share ng balita gamit ang text,” dagdag ng three-termer lawmaker-lawyer.

Base sa datos, nitong Enero 2024, naitala ang kabuuang 86.75 million internet users sa bansa, o katumbas ng 73% ng 116 million Pilipino. Mayroon ding 168.3 million active cellular mobile connections, o 144.5% ng kabuuang populasyon ng bansa.

Ang mas aktibong paggamit ng social media at Internet tools ay bahagi ng comprehensive digitalization plan ni Nograles para sa Davao City, na sumasakop sa mga serbisyo mula sa pagkuha ng business permit renewal, scholarship at medical assistance, transport and mobility, at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan ng lungsod.

“A big no to fake news, siyempre. We will set an example to the people of Davao that news should be truthful, information always accurate, and the treatment of posts from our constituents fair,” dagdag ni Nograles.

KARLO NOGRALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with