^

Police Metro

VP Sara binisita ang nakakulong na chief of staff sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dinalaw ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez na nakakulong sa detention facility ng Kamara de Representantes sa Batasan Hills, Que­zon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, dumating si Duterte ng alas-7:40 ng gabi.

“We allowed her to visit Atty. Lopez doon sa visitors center where they both stayed they until around 10 pm,” sabi ni Velasco.

“When they were informed that the visiting hours are over the VP decided to go to the office of congressman from Davao Pulong Duterte and from then on she stayed there sa opis ni Cong. Duterte,” dagdag nito.

Nang tanungin kung mayroong dinala si Duterte kay Lopez, sinabi ni Velasco na hindi nito tiyak kung anu-ano ang mga dala pero “May nagbalita na may dalang unan.”

Ayon kay Velasco, walang pasok sa Kamara kapag Biyernes dahil ang mga empleyado ay pumapasok mula Lunes hanggang Huwebes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Nakipag-ugnayan na rin umano ang security office ng Kamara sa Que­zon City Police “just to be ready in case there are some disturbances outside the premises of the House.”

Ayon kay Velasco, nakikipag-ugnayan din ang security office ng Kamara sa mga security officer ni Duterte upang malaman kung muli itong pupunta kay Lopez.

Si Lopez ay ikinulong matapos ma-contempt sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Miyerkules ng gabi.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with