^

Police Metro

Bato: OPAPRU, NAC dapat bigyan ng sapat na pondo

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator ­Ronald “Bato” Dela Rosa na bigyan ng sapat na budgetary support ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity at ang National Amnesty Commission (NAC) upang maitiyak na maipatutupad ang full reintegration ng mga dating rebelde sa kani-kanilang komunidad.

Binigyan-diin ni Dela Rosa sa Senate plenary deliberations ng proposed P6.352 trillion national budget para sa susunod na taon ang pangangailangang isulong ang paglalaan ng kaukulang pondo sa dalawang nabanggit na ahensiya.

Sa ilalim ng Senate version ng 2025 Gene­ral Appropriations Bill (GAB), ang OPAPRU ay bibigyan ng P7.094 billion kung saan mahigit sa P5 billion ang gagamitin para sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) projects. Bagama’t may ilang pumupuna sa umano’y overlapping ng PAMANA sa Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC).

Ipinaliwanag naman ni Dela Rosa, kailangan pa ring tugunan ang budget para sa maayos na mga programa ng OPAPRU, kabilang ang pagpapasagawa ng infrastructure projects na pamamahalaan ng municipal o provincial level.

Kumpara sa NTF-ELCAC BDP na ang tanging para lamang sa former rebels mula sa hanay ng New People’s Army (NPA), habang ang PAMANA program ay pinakikinabangan ng lahat ng ex-combatants mula sa Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.

Ayon kay Dela Rosa, na siyang tumayong budget sponsor of the OPAPRU, sakop ng prog­rama ng huli ang social protection projects, roads and bridges, water supply systems, flood control systems, evacuation ­centers, at fish ports sa 13 regions, 31 provinces at 38 municipalities.

RONALD DELA ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with