^

Police Metro

Uganda national, Pinay timbog sa P20-M drugs

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency  (PDEA) ang isang Uganda national at isang Pinay sa isang drug raid kamakalawa sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Rufus Katumba, Uganda national, na pinaniniwalaang mi­yembro ng African Drug Syndicate at Pinay na si Marilyn Ramos, 31.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga ay nagsagawa ng search warrant ang PDEA-Regional Office 4A sa tinutuluyan ng mga suspek at dito ay nakumpiska ang humigit kumulang sa 10 kilo ng cocaine at 10 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P20 milyong piso.

Nasamsam din ang mga maliliit na container at mga sapatos na pinag­lalagyan ng droga na pinagagamit sa mga na-recruit nilang drug mule.

Ang mga suspek ay nakapiit sa PDEA-RO4 at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang comprehensive dangerous act 2002.

ACIRC

ANG

AYON

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SYNDICATE

MARILYN RAMOS

MGA

NADAKIP

PINAY

REGIONAL OFFICE

RUFUS KATUMBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with