^

PM Sports

Blatche gustong maglaro sa PBA

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Blatche gustong maglaro sa PBA
Andray Blatche.

MANILA, Philippines — Nagpahiwatig si da­ting Gilas Pilipinas naturalized player Andray Blatche ng kagustuhang makabalik sa bansa upang maglaro sa PBA kung mabibigyan ng pagkakataon.

“I wanna come play,” ani Blatche sa kanyang tweet reply sa video post ng PBA sa 2021 Go­vernors’ Cup action sa pagitan ng TNT Tropang Giga at Rain or Shine.

Bagama’t Pilipino sa pamamagitan ng natura­li­zation ay magsisilbi ring import si Blatche kung sakali gaya ng na­ging stint ni Marcus Douthit na sumalang para sa Air21 at Blackwater no­ong 2012 at 2015 PBA Commissioner’s Cup, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabila nito, hindi magiging madali ang ha­ngaring paglalaro ng 6-foot-11 na si Blatche sa import-flavored confe­ren­ces ng PBA dahil sa height limits nito.

Sa mga nakalipas na Commissioner’s Cup ay hanggang 6’10 lang ang height ng mga imports na puwedeng kunin ng mga PBA teams na magi­ging balakid kay Blatche maliban na lang kung luluwagan ito ng liga.

Huling naglaro si Blat­che para sa Philippine team na Mighty Sports na ginabayan niya sa kampeonato ng Dubai International Basketball Championship noong 20­20 kasama sina dating San Miguel import Renaldo Balkman at 2021 PBA Rookie of the Year Mikey Williams ng TNT.

Para sa Gilas, huli siyang sumalang noong 2019 FIBA World Cup sa China, kung saan nagtapos sa kulelat na puwesto ang koponan.

Nagsilbi siyang naturalized player ng bansa simula 2014 at trinangkuhan ang Gilas sa ma­ga­gandang kampanya sa 2014 FIBA World Cup sa Spain at 2015 FIBA Asia Championship sa China.

 

 

 

ANDRAY BLATCHE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with