^

PM Sports

Thompson isinalba ang Warriors kontra sa Kings

Pang-masa
Thompson isinalba ang Warriors kontra sa Kings
Hindi nagpapigil si Warriors guard Klay Thompson kina Nemanja Bjelica, Buddy Hield at Willie Cauley-Stein ng Kings.

SACRAMENTO, Ca­lif. — Isinalpak ni guard Klay Thompson ang isang go-ahead three-point shot sa na­ti­tirang 38.5 segundo at tu­mipa ng apat na free throws si Stephen Curry sa dulo ng laro para tulungan ang Golden State Warriors sa 130-125 panalo kontra sa Kings.

Kumolekta si Curry ng 35 points, 7 rebounds at 6 assists, habang tumapos si Thompson na may 27 points at 9 boards.

Humakot naman si Ke­vin Durant ng 33 points, 8 rebounds at 8 assists para sa Warriors na nagmula sa 20-point home loss sa NBA-lea­ding Toronto Raptors.

Umiskor ang Golden State ng 103 points ma­tapos ang tatlong yugto bago nanahimik sa loob ng walong minuto sa fourth quarter.

Sa kanilang paggi­sing ay humataw sila ng 17-2 atake para iwanan ang Sacramento sa hu­ling 3:03 minuto ng laro.

Palaging iniiwanan ng Kings si Thompson hanggang isalpak ng Warriors star ang isang 27-footer para sa ka­ni­lang 126-125 bentahe sa huling 38.5 segundo ng laro.

Sa Phoenix, naglista si guard Damian Lillard ng 24 points at tinapos ng Portland Trail Bla­zers ang kanilang two-game slide mula sa 128-122 paggupo sa Raptors.

Nag-ambag si Zach Collins ng 16 points kasunod ang season-high 13 markers ni Seth Curry para sa Trail Blazers.

Nagbalik si Kawhi Leo­nard para umiskor ng 28 points sa panig ng Raptors (23-8) na nag­laro nang wala si All-Star point guard Kyle Low­ry.

Sa Denver, kumamada si Nikola Jokic ng 24 points, samantalang may 19 markers si Jamal Murray para pamunuan ang Nuggets sa 109-98 panalo laban sa Oklaho­ma City Thunder.

Nagkaroon ng komprontasyon sina Murray at Russell Westbrook da­hil sa puwestuhan sa jump ball sa dulo ng final canto.

Umiskor si Paul George ng 32 points pa­ra banderahan ang Thun­der, naisuko ang ika­apat na sunod na laro sa Nuggets.

Sa Philadelphia, kumolekta si Thaddeus Young ng 26 points at 10 rebounds at nalampa­san ng Indiana Pacers ang iniskor na 40 markers ni Joel Embiid para talunin ang 76ers, 113-101.

Nagdagdag naman si Victor Oladipo, nagka­roon ng knee injury, ng 14 points at 9 assists pa­ra sa Pacers.

THOMPSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with