Cleveland binuhat ni Dion Waiters
CLEVELAND – Nagpaubaya sina Le-Bron James at Kyrie Irving sa kanilang kasama na siyang tumapos sa kalaban.
Tinapos ni Dion Waiters ang Memphis nang kumamada ito ng 13 sa kanyang 21-points sa fourth quarter nang talu-nin ng Cleveland ang isa sa malakas ng team saWestern Conference sa pamamagitan ng 105-91 iskor.
Matagal nang hinihintay ng Cavs na ma-ging reliable ang inconsistent na si Waiters.
May igagaling pa si Waiters na laging nababanggit sa mga usapang trade sa nakaraang dalawang seasons at nakikita na ngayon ang malaking improvement sa kanyang laro.
“He’s learning every day,” sabi ni James na may 25 points at 11 assists. “He’s a young guy. He hasn’t experienced much in this league, so for him to have a game like he had, we needed it.”
Umiskor si James ng 16 sa second half at nagtala ang Cavs ng season-best na 61 percent mula sa field para umangat sa 3-6 laban sa mga West teams. Nagtala si Anderson Varejao ng 18 points at nagposte si Irving ng 17 points at 12 assists para sa Cavs na may 11-3 record matapos magsimula ng 5-7.
Nagposte si Marc Gasol ng 23 points at may 11 rebounds para sa Grizzlies na di nakaasa kay forward Zach Randolph. Pinapagaling pa niya ang namamagang kanang tuhod na nagkaroon ng injury noong Biyernes kung saan natalo sila sa Chicago.
- Latest