Carrasco sa PSA Forum
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Philippine Olympic Committee (POC) chairman Tom Carrasco ang mga bisita sa Phi-lippine Sportswriters Association (PSA) Forum nga-yong umaga sa Shakey’s Malate.
Ilalahad ni Carrasco ang paghahanda ng bansa para sa darating na Asian Games sa Incheon, South Korea bilang miyembro ng POC-Philippine Sports Commission (PSC) Asiad Task Force.
Makakasama ni Carrasco sa public sports program na isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Shakey’s, Accel at ng Philippine Amusement and Ga-ming Corp. sina Jonne Go at ALA boxing stable rising stars King Arthur Villanueva at Genesis Servania.
Tatalakayin ni Go ang kampanya ng bansa sa Youth Olympic Games kung saan siya tumata-yong Chef De Mission, habang ihahayag nina Servania at Villanueva ang kanilang tsansa sa unang event ng boxing series na ‘Pinoy Pride’ for 2014.
Ang Forum ay isa lamang sa mga public service programs ng PSA, ang pinakamatandang media organization sa bansa na maaaring bisitahin sa website na www.psamedia.ph.
- Latest