^

Pang Movies

Bea, ayaw nang pag-usapan ang pang-iiwan ni Dominic

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bea, ayaw nang pag-usapan ang pang-iiwan ni Dominic
Bea

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Bea Alonzo tungkol sa breakup nila ni Dominic Roque ilang buwan na ang nakararaan.

Sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA 7 na inere sa 24 Oras, Bea revealed na hindi siya ang nakipag-break sa ex-fiance.

“Hindi ako ang nakipag-break,” she said.

Pero ayaw na niyang magbigay pa ng detalye tungkol dito bilang respeto na rin daw sa kanilang naging relasyon. She also mentioned na okay naman sila ni Dom.

“Huwag na nating pag-usapan ‘yon. Let’s leave it the past. It’s amicable. Okay naman kami.

“I think it would be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it. It’s a very sensitive topic at gusto kong bigyan ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had,” ani Bea.

Inamin din ng aktres na labis na nakaapekto sa kanya ang mga maling balita na lumabas tungkol sa kanya.

“Du’n ako pinaka… siguro, naapektuhan, kasi maraming nag-i-spread ng false narratives about my life and when you’re going through something really difficult in your life and you have other people narrating it for you in a different way, very different from the way you see it and very different from the truth, sobrang sakit niya,” she said.

“Kasi, yes, it affects you because it’s one thing to go through something silently, like a very, very huge heartbreak, but it’s another thing to be going through it in front of the public nang iba ‘yung narrative,’” pahayag pa ni Bea.

Matatandaang inanunsyo nina Bea at Dominic ang kanilang breakup last February, 2023 sa pamamagitan ng kanilang post sa social media. Ito ay sa gitna ng preparasyon nila para sa kanilang kasal na gananapin sana ngayong taon.

Alden, napasigaw sa HK!

Nasa Hong Kong na ngayon si Alden Richards para sa shooting ng sequel ng Hello, Love, Goobye na Hello, Love, Again na pinagbibidahan nila ni Kathryn Bernardo.

Dahil nga sa HK rin kinunan ang HLG, we believe dito rin magsisimula ang kwento ng HLA at saka sila tutungo ng Canada kung saan kukunan ang malaking bahagi ng movie.

Sa video na ipinost ni direk Cathy Garcia-Sampana sa kanyang Instagram account ay makikitang nasa Hong Kong International Airport na siya kasama si Alden.

Caption ni direk, “Dito na si Ethan!!!” at nilagyan ng hashtags na #HLA #cathygarciasampana #aldenrichards.

Ethan ang pangalan ng karakter ni Alden sa HLG at HLA.

Sa video ay maririnig na tinanong ni direk Cathy ang mga kasamahan ng “anong meron?”

Sagot ng isa nilang kasama, “dito sa…”

Sumingit si Alden at sumigaw ng “Hong Kong!”

Sa Instagram Story naman ni Alden ay makikita rin ang video niya with co-stars Joross Gamboa and Jeffrey Tam.

“We are back!” sey ng tatlong aktor.

Makikita rin ang larawan nilang tatlo na nagkakatuwaan sa kanilang kwarto.

Nag-post din sina Joross at Jeffrey sa kanyang IG account ng mga larawan nilang tatlo sa HK.

Obviously, wala si Kathryn sa Hong Kong shoot dahil sa ending ng HLG ay umalis na ito patungong Canada kaya ang mga eksena niya for sure ay mostly sa naturang bansa with Alden, of course.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with