^

PM Sports

4 sports out sa Thailand SEAG

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walong gintong me­dalya ang mawawala sa kaban ng pambansang de­legasyon sa 33rd Southeast Asian Games na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.

Tinanggal ng host Thailand ang apat na sports sa kalendaryo ng SEA Games kung saan 40 disiplina lamang ang lalaruin.

Wala sa listahan ang weightlifting, wushu, jiu-jitsu at karate na mga sports na nagbigay ng gintong medalya sa Pilipinas sa 32nd SEA Games sa Cambodia.

“We already appealed to the Thai hosts the inclusion of weightlifting, wushu, jiu-jitsu and karate,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.

Dumalo si Tolentino sa SEA Games Federation meeting sa Bangkok kung saan marami ang puma­lag sa naging desisyon ng Thailand.

Inaasahang aapela ang mga miyembro ng SEA Games Federation Council members kabilang na ang Pilipinas para maibalik ang mga natanggal na sports.

“And it’s not only the Philippines which appealed, but a majority of the games members,” ani Tolentino.

Idaraos sa Thailand ang SEA Games mula Dis­yembre 9 hanggang 20 sa Bangkok, Chonburi at Songkhla.

Sina jiu-jitsu athletes Kaila Napolis, Annie Ramirez at Marc Lim, wushu bet Agatha Wong, karate fighters Jamie Lim at Sakura Alforte at weightlifters Erleen Ando at Va­nessa Sarno ang naka ginto sa Cambodia SEA Games.

Kasama ni Tolentino sa meeting sina POC secretary general Atty. Wharton Chan, deputy secretary-general Ali Sulit ng judo, Don Caringal ng volleyball, Karen Tanchangco-Caballero ng sepak takraw at Carl Sambrano ng skateboard.

SEAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with