^

PM Sports

Meralco giba sa Converge

Russell Cadayona - Pang-masa
Meralco giba sa Converge
Binangga ni Cliff Hodge ng Meralco si Converge import Cheick Diallo.

MANILA, Philippines — Kumonekta ang Converge sa kanilang ikaapat na sunod na panalo matapos talunin ang Meralco, 110-94, sa Season 49 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pinaganda ng Fiber­Xers ang kanilang record sa 6-2 at ibinagsak ang Bolts sa ikalawang dikit na talo para sa 3-2 marka.

“Maybe we we’re lucky, they we’re not a their best form,” sabi ni Converge coach Franco Atienza sa Meralco. “Although they really compe-ted at medyo na-challenge din kami.”

Naglista si Fil-Australian guard Jordan Heading ng 30 points, 8 assists at 6 rebounds para banderahan ang FiberXers habang may 24 markers si import Cheick Diallo.

Nag-ambag si 6-foot-9 Justine Baltazar ng 16 points at may 11 at 10 markers sina Schonny Winston at Alec Stockton, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni reinforcement Akil Mitchell ang Bolts sa kanyang 29 points.

Maagang nakawala ang Converge sa 22-6 mula sa dalawang free throws ni Winston sa 5:20 minuto ng first period.

Nagising ang Meralco at naghulog ng isang 14-4 bomba sa pamumuno ni Quinto para makadikit sa 20-26 tampok ang four-point shot ni Cliff Hodge sa pagtatapos ng nasabing yugto.

Sa pagbibida ni Hea­ding ay muling nakalayo ang FiberXers sa 48-32 sa huling 4:12 ng second quarter para tangayin ang 17-point, 58-41, halftime lead sa Bolts.

Muling nagpilit makabangon ang Meralco sa paglapit sa 54-62 sa pagsisimula ng third period bago muling nag-init ang Converge para ikasa ang 81-62 lead sa 2:35 minuto nito.

Sa final canto ay hindi na bumitaw ang FiberXers sa kanilang double-digit lead tungo sa panalo.

 

CONVERGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with