^

Pang Movies

Mga manlolokong talent agent, hinahabol na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nauna nang naglabas ng babala ang ABS-CBN laban sa diumano ay recruiters daw ng mga kasali sa PBB at sa iba pa nilang shows, na hindi sila nag-uutos kanino man na mag-recruit ng mga gustong mag-artista.

Ang PBB ay dumaraan sa auditions sa ABS-CBN mismo o kaya sadyang kinukuha nila.

Pero totoo namang nangyayari na may mga nagsasabi nga sa mga tao na ipapasok sila sa PBB o artista sa ABS-CBN, at kung minsan iyon ay raket.

Ganundin ang GMA ang naglabas ng notice, na wala silang inuutusang mga tauhan ng Sparkle, ang kanilang talent arm, para mag-recruit ng mga baguhang artista. Sinabi rin nilang walang tauhan ng Sparkle na makikipag-usap sa talents, at paghuhubarin ang mga iyon para makapasok daw as talents.

Pero may narinig na rin kaming ganyan tungkol sa isang male starlet na binola ng kung sinong “talent manager” daw siya. Pina-attend pa ang talent sa isang workshop na tumagal ng isang linggo, at pagkatapos noon ay kinumbinsi ang bata na maghubo’t hubad habang kinukunan nila ng pictures at video.

Ang masakit pa, hindi naman pala iyon gagamitin sa pagpapasok sa kanila bilang artista kundi pam-blackmail pa na kung hindi sila papayag sa kahalayan ng talent manager na iyon ay ikakalat daw ang kanyang nude pictures at video at kung mangyayari nga naman iyon masisira na ang kanyang image at lalo siyang hindi mapapasok na artista.

Mabuti naman at nagsimula na ngang magpalabas ng warning ang ABS-CBN at maging ang GMA sa mga nangyayaring ganyan. Kailangang masugpo iyan. Hindi lamang iyan nakapagbibigay ng masamang image sa show business sa kabuuan kundi iyan ay pagsasamantala pa rin lalo na sa mga kabataan.

Dapat nga sa mga iyan ay mahuli at ipagharap ng sakdal dahil sa kanilang pagsasamantala.

TVJ, pinu-push si Atasha

Ano raw, nalulugi na ang Eat Bulaga at malamang na magsara na?

Bakit naman malulugi ang Eat Bulaga eh napakarami pa nilang commercials?

 Makakapagbigay ba sila ng ganoon kalalaking premyo sa mga binibisita lamang nila sa bahay kung kulang ang kanilang advertising support?

Kaya nga naghahamon pa si Tito Sotto na maaari pa nga raw niyang lakihan ang kanilang mga papremyo sa mga tao eh, dahil sumama naman sa kanila ang kanilang loyal advertisers noon pa man.

At saka kumikilos na naman ang utak ng TVJ. Mapapansin ninyo na hindi biru-birong exposure ang ibinibigay nila ngayon kay Atasha Muhlach dahil napuna nila na nagsisimula na iyong makabatak ng fans.

Eh sa ganyan magaling ang TVJ lalo na nga si Joey de Leon. Basta may napansin silang umaangat sasabayan nila iyan ng build-up and in no time at all may bago na naman silang star.

Hindi talaga mapagbabatayan ang ratings eh ang kailangang mapatunayan ay ang show quality, dahil ang ratings sandali lang iyan pero kung may kalidad ang show, iyan ang tatagal at kung tatagal, sila ang susugalan ng advertisers.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with